E.O. NO. 23 ni Pang. Noynoy binabraso na raw ng DENR

TILA todo na ang implementasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng ilang reporma bilang pagtugon sa Executive Order (EO) No.23 na inisyu ni Pangulong Noy-noy Aquino noon pang  Pebrero 1, 2011 na nagdedeklara ng moratorium sa pagputol ng puno sa mga kabundukan at kagubatan.

Ang isang halimbawa rito ang anti-illegal logging campaign ng DENR ng makumpiska  ang mga troso na umaabot sa 13.3 milyong  board feet at humantong sa convictions ng 57 mula sa 328 illegal logging cases na isinampa. Dati-rati ang disposisyon ng mga nasabat na troso ay isinailalim sa bidding pero may mga isyu at alegasyong ang mga illegal logger ang nagbebenepisyo sa public bidding.

Kaya bilang solusyon  ay ginawa na lamang donasyon ng DENR ang mga nakumpiskang troso para makatulong na tugunan ang problema sa kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong eskuwelahan, silya at iba pang pangangailangan sa mga eskuwelahan.

Bilang resulta ng makabagong polisiya ng DENR  sa pamumuno ni Sec. Ramon Paje ay malaking bilang ng mga mag-aaral sa mga lublic schools sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay naka-uupo na sa may 100,000 bagong desk at mga upuang ginawa mula sa mga nasamsam na mga troso.

Hindi pa kasama rito ang mahigit sa 2,000 piraso ng mga furniture at cabinet na ibibigay  sa mga nangangailangan na paaralan.

PADER NGA BA SA PULIS LAS PIÑAS

Wow naman ibang klase talaga itong saklaan ng grupo nina Jun Lontoc at Willie Fajardo sa Las Piñas.Hindi magalaw-galaw dahil malaki raw ang lagay nito sa kapulisan. Totoo ba ito Las Piñas COP Supt. Romy Sapitula?

Anoman ang reklamo mangyari ay -itext lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply