Earthquake alert sa text messages kalokohan-Phivolcs

MALAKING kalokohan lang at walang katotohanan ang mga naglalabasan o kumakalat na mga babala hinggil sa susunod na mga malalakas na paglindol.

Ito ang paglilinaw na ginawa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa sambayanan na huwag magpapadala sa mga kumakalat na text messages na nagbabala sa magaganap na paglindol.

Sa pahayag ni Phivolcs director Renato Solidum Jr., wala pa ring teknolohiyang naiimbento upang makaalam kung kailan at saan mangyayari ang isang lindol.

Nilinaw ng dirtector na wala pang bansa ang nakaka-predict ng lindol kaya imposibleng may mga tao na makapagbibigay o makapaglalabas ng mga eartquake alert.

Hindi umano ito kagaya ng tsunami, kung saan ay maaari silang maglabas ng tsunami alerts kasunod ng malalakas na lindol sa karagatan.

Ang mahalaga ay maging alerto ang taumbayan sa mga posibleng epekto ng paglindol.

Sa report ng Phivolcs sa tanggapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council ay umaabot na sa mahigit 200 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude-7.6 na lindol sa silangang Visayas noong Biyernes.

Subalit nilinaw ni NDRRMC Executive Director Bgen Benito Ramos na pawang mahihinang pagyanig lamang at hindi nararamdaman ng mga residente sa mga apektadong lugar.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply