Eastern Samar muling nilindol

NIYANIG ng lindol ang ilang bahagi ng Guiuan, Eastern Samar kaninang madaling araw.

Unang tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa 123 kilometro sa Timog Silangan ng Guiuan na may lalim na 36 kilometro.

Nasundan naman ito ng magnitude 4.5 kaninang alas-5:11 ng umaga sa 95 kilometro sa Timog Silangan ng Guiuan na may lalim na 24 kilometro.

Niyanig naman ng magnitude 3.4 na lindol ang bahagi ng Catanduanes kaninang 5:09 ng umaga.

Naitala ang epicenter nito sa layong 17 kilometro sa Timog Silangan ng Virac, Catanduanes na may lalim na 36 kilometro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply