EcoWaste nagbabala ukol sa mumurahing laruan sa Divisoria

PINAG-IINGAT ng environmentalist group na EcoWaste Coalition ang publiko na doblehin ang pag-iingat sa pagpili at pagbili ng mga mumurahing laruan ngayong nalalapit na Pasko sa Divisoria.

Ang babala ay ginawa ng grupo kasunod ng pagpasok ng “Ber” months kung kailan karaniwan nang nagsisimulang mamili ang mga tao ng mga ipangreregalo sa Pasko.

Nadiskubre ng grupo sa isinagawang pag-iikot sa Divisoria na 74 mga laruan mula sa 150 laruan ay nagtataglay ng toxic chemicals na nakalalason.

Naniniwala rin ang Ecowaste na tiyak na kakagatin ng publiko ang murang halaga ng mga laruan dahil naglalaro lang sa P10 hanggang P100 ang presyo ng mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply