Edgar Allan gaganap na closet gay sa MMK

ANG Cinemalaya best actor na si Edgar Allan Guzman ang magbibida sa Maalaala Mo Kaya episode ngayong Sabado, Setyembre 22.

Bibigyang buhay niya ang karakter ni Ritche, isang closet gay na nangangarap maging seaman upang patunayan sa lahat, lalo na sa kanyang ama, na may mararating siya sa buhay.

Sa takot na mainsulto at maliitin ng kanyang mga kaklase, pilit niyang ikinubli ang kanyang tunay na sekwalidad. Anong hirap ang pinagdaraanan ng isang taong patuloy na pinatutunayan ang sarili sa kapwa? Mapupunan ba ng pagtanggap ng iba ang sakit na dulot ng pagtatago nang tunay na pagkatao?

Bukod kay Edgar Allan, tampok rin sa MMK sina Lito Pimentel, Jobelle Salvador, Eda Nolan, Ryan Boyce, David Chua, Bryan Homecillo, Art Mendoza, Joseph Bitangcol, at Quintin Alianza.

Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at direksyon ni Nick Olanka. Huwag palampasin ang isa na namang natatanging kuwentong buhay sa Maalaala Mo Kaya (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng Wansapanataym.

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www. facebook.com/MMKOfficial.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply