Ekonomiya ng Pinas patuloy sa pag-angat

TULOY-TULOY ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa liderato ni Pangulong Noynoy Aquino.

Ito ang hindi mapasisinungalingang katotohanan ng kahit sinong negosyante sa bansa kahit maging kilalang ekonomista dahil malinaw sa datos na aangat pa ang ekonomiya ng estado hanggang 6 porsiyento bago matapos ang 2012.

Malinaw din sa isinagawang Philippine Economic Briefing na isinagawa sa Philippine International Convention Center (PICC) na patuloy na lumalago ang lahat ng aspeto ng ekonomiya magmula sa Gross Domestic Product (GDP), usapin ng pagdami ng turistang pumapasok sa ‘Pinas, agrikultura at maging sa pagpasok ng remittances galing sa ibayong dagat.

Malinaw na tumaas ang GDP ng estado sa naka-lipas na una at ikalawang quarter ng taon at tinitiyak na aabot sa 6 porsiyento ang ilalago pa nito bago matapos ang 2012.

Sa aspeto naman ng turismo ay halatang nagtatagumpay ang kampanya nating makahikayat ng mga dayuhang turista dahil umabot sa 11.68 percent ang inilago sa aspetong ito matapos umabot sa 2.2 milyong turista ang dumagsa sa bansa ngayong kalahatian pa lamang ng taon.

Maging ang remittances ng ating mga kapatid sa abroad ay umaalagwa dahil malinaw sa pahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ng 5.3 percent o may katumbas na $13.3 bilyong ang ipinasok ng ating mga OFW ngayong unang 7 buwan ng 2012.

Kahit ang sektor ng agrikultura ay umangat ng 0.93 percent sa kabila ng sangkatutak na  bagyo  at problema sa kalamidad na inabot  ng bansa. Umangat din ng 4 percent ang manufacturing sector ng Pilipinas kahit pa bagsak presyo ang kapitbahay nating China.

Samakatuwid, tagumpay ang kampanya ni PNoy na tuwid na daan at ito ang pinagbasehan ng mga negosyante sa bansa sa kanilang pagpapalago dahil iba talaga ang may lider na matino at punom-puno ng pangarap na magaganda sa kanyang bayan.

Tiyak na aangat pa ang ‘Pinas sa panahon ni PNoy kaya’t tayo nang magsama-sama upang itaguyod ang tamang landas tungo sa kaunlaran.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply