El Niño pinaghahandaan na ng DA

NAGHAHANDA na ang Department of Agriculture (DA) sa napipintong pananalasa ng El Niño. Ito ang napag-alaman ng Remate ngayon.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, nagsimula na silang magbigay ng assistance sa mga magsasaka na naapektuhan at maaapektuhan pa ng El Niño, partikular sa Bohol.

Aniya, tumulong na rin ang Bureau of Soils and Water Management (BSWM) upang magsagawa ng cloud-seeding upang umulan sa Bohol mula pa noong isang buwan.

Matatandaang nakaranas ang Bohol ng matinding tagtuyot kamakailan habang sinasalanta naman ng baha ang ibang lugar sa bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nagsimula ang El Niño noon pang August 15, at matatapos sa March 2013.

Ilan sa makararanas ng matinding tagtuyot ay ang Central at Western Visayas, silangang bahagi ng Northern at Central Luzon, Palawan at Western Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply