Electrician, dinedbol sa harapan ng GF na buntis

SA harapan mismo ng ka live-in partner na buntis, pinasabog ng isa sa apat na lalaking sakay sa dalawang motorsiklo ang ulo ng isang electrician sa Quezon City kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinanong tama ng bala ng  hindi pa malamang kalibre ng baril sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Ed Bryan Gloria, 23-anyos.

Wala pang ideya ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kung sino ang nagkasa ng pamamaril pero ang isa sa mga suspect ay inilarawan na maliit na lalaki.

Naganap ang insidente dakong 12:15 ng madaling araw   ilang hakbang na lamang ang layo sa bahay ng mag-live-in partner sa Barangay Commonwalth.

Ayon sa ka-live in partner ni Gloria na si Brendile Basilan,  21-anyos at pitong buwang buntis, magkasama silang naglalakad ng kanyang partner at napansin na may bumubuntot sa kanilang apat na kalalakihan na sakay sa dalawang motorsiklo.

Pagsapit nila sa madilim na iskinita, biglang sumulpot ang isang maliit na lalaki at binaril si Gloria sa ulo at saka tumakas sa hindi malamang direksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply