Ella nag-enjoy sa kanyang first date

INAMIN ng Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz na masayang-masaya siya sa naging unang date nila ng bagong ka-love team niya sa “Aryana” na si Francis Magundayao sa katatapos lamang na Star Magic Ball 2012.

“Ang saya po talaga ng first Star Magic Ball experience ko,” pahayag ni Ella. “Dahil po sa date namin na ‘yun ni Francis, mas naging close pa po kami sa isa’t isa.”

Nang tanungin kung nagtampo o nagselos ba kay Francis ang dalawa pa niyang ka-love team sa fantaserye na sina Paul Salas at Dom Roque, ikinlaro ni Ella na okay lang naman daw ito sa kanyang “Aryana” co-stars. Aniya,

“Naintindihan naman po ‘yun nina Dom at Paul. Si Francis rin po kasi ‘yung ka-partner ko sa cotillion kaya po nag-decide ako na siya na lang din po ang gagawin kong ka-date sa ball.”

Bagama’t patuloy na nali-link si Ella sa kanyang tatlong leading men, nilinaw ng Kapamilya primetime princess na wala pa sa isip niya ang magpaligaw at magka-boyfriend. “Ang payo po nila mommy sa akin ay huwag daw po akong magmamadali dahil marami pa raw po akong pwedeng marating at maabot sa buhay ko,” sabi ni Ella.

“Darating din naman po ang right time para sa ganoong bagay. Kaya sa ngayon po, sa pag-aaral at career po muna ako naka-focus at hindi sa love,” ani Ella. “Kaya po gusto kong ipayo sa mga kabataang tulad ko na we should always prioritize our studies and reach for our dreams first before love.”

***

Not once but twice nagkodigo

MAY mga tao yatang nakatutok kay Sen. Tito Sotto para lamang bantayan ang kanyang pagpapatalumpati sa Senado. Binubusisi nila ang bawat mga salita ng senador. Magkano kaya ang ibinabayad sa kanila para gawin ito?

Napakabait na amo nga ni Sen. Tito. Sa kabila ng dalawang beses nang nagkamali ang kanyang speech writer dahil sa plagiarism ay hindi siya pinahahamak ng comedian/TV host/politician. Siya ang sumasalo sa bawat banat ng mga ‘madudunong’ na mga taong ito, huh!

***

Lani Mercado nag-ala Miriam Santiago

MARAMI pang gustong gawin para sa kanyang constituents si Rep. Lani Mercado sa Bacoor na mula sa pagiging bayan ngayon ay isa ng siyudad. Kaya kesehodang mag-ala Sen. Miriam Santigao na nag-opm na hindi tatakbo uli sa politika pero muling nag-run ay wala siyang pakialam.

Kaya sa susunod na taon ay asahang maririnig pa rin ang mga plata porma-de-gobierno ng actress/politician. Bale pangalawang termino na niya ito kung sakaling mananalo uli siya sa susunod na halalan.

Samantalang si Jolo Revilla, mula sa pagiging kapitan del barrio ay vice governor naman daw ng Cavite ang tinatarget na posisyon.

***

Kwento ng mga artistang sinubok ng malubhang karamdaman, tampok sa ‘Sir’

MAAANTIG ang puso ng TV viewers ng “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado (Setyembre 8) sa mga kwento ng mga artista na sinubok ang lakas at katatagan dahil sa kani-kanilang malulubhang karamdaman.

Sa episode na pinamagatang “Hawak Kamay: Mga Kwento ng Katatagan at Pag-asa,” ibabahagi ng “SIR” ang mga pinagtagumpayang pagsubok sa kalusugan nina Liezel Martinez na isa na ngayong breast cancer survivor, April Boy Regino na nakaligtas sa banta ng prostate cancer, at Zsa Zsa Padilla na kamakailan ay sumailalim sa isang operasyon dahil sa kanyang sakit sa kidney.

Ang anak ni ZsaZsa na si Karylle ang magbabahagi ng karanasan nilang mag-ina sa labang muling sumubok sa tibay ng kanilang pamilya. Itatampok din sa programa ang patuloy na pakikipagsapalaran ng komedyanteng si Sammy Lagmay na pilit nilalabanan ang mga komplikasyong dala ng kanyang diabetes.

Huwag palampasin ang iba’t ibang kuwento ng katatagan at pag-asa na kapupulutan ng aral at inspirasyon ng lahat sa top-rating at trending Saturday entertainment talkshow sa bansa pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-‘like’ ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply