Elo rating ni super GM Wesley So tataas

NALAMPASAN ng Philippine chess team ang kanilang target ng makuha nila ang 21st finish overall sa 40th World Chess Olympiad na ginanap sa Istanbul, Turkey.

May posibilidad sanang makapasok sa top 10 ang No. 35th ranked Pinoy woodpushers kung tinalo nila sa last round ang No. 25 seed Romania.

Yumuko ang PHL chessers sa Romania, 1-3 matapos makipaghatian ng puntos sina super grandmaster Wesley So at GM Oliver Barbosa sa boards 1 at 2 habang napisak naman sina GMs Eugene Torre at Mark Paragua sa boards 3 at 4 ayon sa pagkakasunod.

Ganumpaman, paniguradong magtataasan ang elo ratings ng mga Pinoy woodpushers dahil puro mabibigat na bansa ang nakatunggali nila.

Sa top board, walang talo sa 11 laro ang 19-anyos na si So matapos kontrolin ang mga matitikas na players na kanyang nakalaban.

May total 6.5 points si So, (elo 2652)  mula sa dalawang panalo at siyam na tabla upang ilista ang kanyang performance rating na 2710.

Tinablahan ni So ang mga bigating sina GM Viktor Bologan (2660) ng Moldova, GM Levon Aronian (2816) ng Armenia, GM Veselin Topalov (2752) ng Bulgaria, GM Peter Leko (2737) ng Hungary, GM Michael Adams (2710) ng England, GM Wang Hao (2726) ng China, GM Le Quang Liem (2693) ng Vietnam at Constantin Lupulescu (2614) ng Romania.

Nakakuha si So ng 10.3 points at posibleng maging 2662 ang kanyang elo rating.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply