Empress at Angel Aquino nilampaso sa takilya ang Guni-Guni ni Lovi at I Do Bidoo Bidoo ni Eugene

AYAW talagang paawat ang Star Cinema sa sunud-sunod nilang hit movies like The Healing ni Gov. Vilma Santos na as of presstime ay naka 140 million na.

Then sinundan naman ito ng The Reunion na umabot na sa 50 million ang kita sa takilya and still showing pa rin. Nang magbukas naman ang latest movie ng Star Cinema at Skylight films ni sir Enrico Santos na Amorosa noong August 29 malakas rin ito.

Lampaso nga raw ng nabanggit na horror drama movie nina Empress Shuck at Angel Aquino with Enrique Gil, Ejay Falcon, Martin Escudero, Xyriel Manabat, Jane Oneiza and many more ang Guni-Guni ni Lovi Poe na nag-first and last day sa ibang sinehan at ang musical movie na I Do Bi Doo Doo na ka-join si Eugene Domingo.

Malaki ang ginastos ng Unitel at TV 5 sa pelikula na hango sa mga sikat na kanta ng Apo Hiking Society. Pero ‘yun na nga, tinalo pa sila ng Amorosa.

Isa lang ang ibig sabihin nito, feel talaga ng mga otaw panoorin ang mga pelikula ng Star Cinema na number one movie outfit sa ngayon. Maliban sa sikat ang mga artista nila ay magaganda ang istorya at de-kalidad ang kanilang movies.

Sabay namang ipalalabas sa September 5 ang Bwakaw ni Eddie Garcia at Captive ni direk Brilliante Mendoza na parehong release ng Star Cinema at sa September 12 naman ang inaabangan na ng lahat na The Mistress na 10th year anniversary ng loveteam nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, with comebacking multi-awarded actress Hilda Koronel and Ronaldo Valdez, under the direction of Ms. Olive Lamasan. Na ang sabi ay siyang sisira raw sa box office record ng No Other Woman.

Ang Star Cinema rin ang siyang magri-release ng latest movie ni Cesar Montano and Angel Aquino na Biktima kung saan may special participation naman ang magandang wife ni Cesar na si Sunshine Cruz. Malapit na ang showing ng Biktima. Star Cinema is Star Cinema gyud!

***

Young actor chinurva sa gubat ng manager

MINSAN lang daw bumisita sa taping ng alagang young actor ang kilalang mahinhing manager. Super layo naman kasi ng location ng fantaseryeng kinabibilangan ng not so guwapong actor pero in fairness, malakas naman ang sex appeal at higit sa lahat super daks. Minsan, inabot na ng madaling araw sa set si manager at nataon naman na mahaba-haba ang breaktime ng kanyang talent.

Hayun! Kahit demure ang beauty ni talent manager, natukso siya sa mga oras na ‘yun. Kaya naganap ang chorvahan nila ng kanyang alaga sa gitna ng kagubatan. Panalo ngayon sa kanyang alaga si manager dahil loveless ito at siya ang itinuturing na bagong Mama nito.

Aba’y dapat lang naman dahil without the help and support of his ma- nager ay baka hanggang ngayon ay no name pa rin sa showbiz ang tinutukoy nating batang aktor na very much in-demand sa iba’t ibang project.

Waging-wagi gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply