Enrile at Trillanes nagkagirian

NAGKAGIRIAN  sa plenaryo ng Senado sina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Antonio Trillanes IV na nagsimula sa isyu ng Camsur hanggang sa usapin sa bansang Tsina.

Nagsimula ito sa privilege speech ni Trillanes nang direktang inakusahan si  Enrile na binabraso ng huli para maipasa ang ilang panukalang batas kabilang ang pagkakahati ng Camarines Sur sa dalawang lalawigan na nila-lobby ng grupo ni Rep. Luis Villafuerte.

Agad na inatake ni Trillanes si Enrile at sinabing “Kung gusto ko, isasagasa ko; kung ayaw ko, uupuan ko.”

Binunyag ni Trillanes ang ginawang pagpapasok ni Enrile kay Villafuerte sa isang caucus ng mga senador kung saan pinag-uusapan ang agarang pagpasa ng batas na pagbuo ng bagong lalawigan mula sa Camarines Sur.

Ani Trillanes, isang araw matapos ang SONA ni Pangulong Noynoy Aquino, nagpatawag ng caucus si Enrile na hindi man lamang inihahayag ang agenda na tatalakayin subali’t inakala nito na napaka-importante kung kaya tumugon siya.

Pero nadismaya si Trillanes nang malaman na ang panukalang batas kaugnay sa paghahati ng probinsya ng Camarines Sur pala ang pag-uusapan.

“Why would our Senate President be particularly interested to the point of straining relations with members of the very Senate that he leads? Is it just to please Congressman Villafuerte?,” ani Trillanes sa kanyang talumpati.

Gayundin, dinawit pa ng  senador ang dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na umano’y tumawag kay Enrile para isulong ang pagpasa ng naturang panukala.

“Now, there remain only two possibilities: that our Senate President is deeply indebted to GMA; or that he is a GMA lackey. Either way, I have lost trust, faith and confidence in Senator Enrile’s capability to lead the senate along the path consistent with the reform agenda that I espouse,” diin ni Trillanes.

Dahil dito, idineklara ni Trillanes  ang kanyang pagkalas sa mayorya ng Senado at sumama sa minorya.

Ang  pag-atake na ito ni Trillanes ay agad na kinumpronta ni Enrile na na siyang pinagmulan ng palitan ng  maanghang at akusasyon sa isat-isa.

Harapang inakusahan ni Enrile si Trillanes na sumama ang loob sa kanya dahil hindi nito inaprubahan ang hiling na dagdagan ang pondo ng kanyang oversight committee.

Gayundin, inungkat ni Enrile ang naging papel ni Trillanes na nakikipagnegosasyon sa bansang Tsina ng 16 na beses nang hindi nagrereport sa Senate president.

Ani Trillanes, hindi nya obligasyon na magreport sa Senate president dahil kautusan mismo ito ng Pangulong Noynoy Aquino.

At dahil dito, sabay na nagsasalita sa plenary ang dalawang senador upang magbangayan at magpalabas ng kani-kanilang mga bahong itinatago na nauwi sa pagwalk-out ni Trillanes at tawagin siyang duwag ni Enrile.

Gayunpaman, hindi huminto si Enrile sa pagbabasa ng report ni Philippine ambassador to China Sonia Brady, kung saan tinawag umano ni Trillanes na taksil si Foreign Affairs  Secretary Albert Del Rosario.

Isinawalat ng husto ni Enrile ang umano’y kwestyunableng papel ni Trillanes sa pakikialam sa ginagawang negosasyon sa China.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply