Enrile di natitinag sa bantang kudeta ni Trillanes

LALONG tumatag ang pamumuno ni Senate President Senator Juan Ponce Enrile sa Senado makaraang magpakita ng suporta ang mga senador.

Sinabi ni Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na tinitiyak niyang hindi matitinag sa puwesto si Senate President Juan Ponce Enrile sa kabila ng banta ni Senator Antonio Trillanes na kikilos siya at gagawin ang lahat para mapatalsik sa puwesto si Enrile.

Ayon kay Estrada, bukod tangi kasing si Trillanes lamang ang nag-aalboroto laban kay Enrile.

Ayon pa kay Estrada, hindi naman niya nakikitang gumagalaw ang Nacionalista Party na kina-aaniban ni Trillanes at ang mga miyembro ng partido Liberal sa Senado.

Pinaalalahanan din ni Estrada si Trillanes na gumising ito sa katotohanan dahil hindi na siya militar at hindi na uubra ang basta-bastang kudeta at power grab lalo na at mag-isa lang siya.

Malabo rin, aniyang, makakuha si Trillanes ng 13 boto mula sa kanyang mga kasamahan para mapatalsik si Enrile sa puwesto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply