Epal ni Chiz at hepe ng Valenzuela swak sa sugal

GINAGAGO tayo, parekoy, ng kapwa ko Bicolano na si Sen. Chiz Escudero.

‘Yan ang aking sapantaha rito sa isyu ng “cyberlibel” kung saan isa si Sen. Chiz sa mga nag-apruba!

Sa pag-amin ni Chiz na hindi niya masyadong napuna itong tungkol sa “libel” nang kanyang aprubahan ang “cyber-crime bill” ay nagmukhang engot tuloy itong idol kong senador!

Ilang panukalang batas na ba ang naaprubahan ni Sen. Chiz na hindi muna niya binabasa ng masinsinan?

Iniluklok ka namin sa Senado dahil naniniwala kami sa iyong kapasidad na suriin ang mga panukalang batas, tapos itatsamba mo lang pala?

Hindi kaya masyado nang abala si Chiz sa show nila ni Kris Aquino at sa romansa nila ni Heart Evangelista?

Ngayon naman ay sinasabi ni Chiz na sa pagbukas ng Senado ay susuriin niya ito.

Weeh! Cheekah! Epal!!!

Nakalimutan ba ni Chiz na noong aprubahan nila itong “cyber-libel” at agad namang isinabatas ni PNoy ay tanging Korte Suprema na lang ang may kapangyarihan na ibasura ito sa pagdedeklara na ito ay  “unconstitutional”?

Ang tanging gamot na magagawa ng Senado at Kongreso ay amyendahan ito bago pa man maipatupad . . .

Its more fun in the Philippines! Pwe!

At ilang taon pa kaya bago mangyari ang pag-amyenda?

Alam ito ni Chiz, parekoy, kaya lang umeepal! Weeeeh!

-o0o-

TAKLESA lang kaya itong isang tauhan ni Valenzuela City Chief of Police S/Supt. Welben Mayor o galit kay hepe dahil hindi napapartehan ng weekly collection sa iligal na sugal?

Idinaldal kasi, parekoy, ng pulis na ito na tumatanggap si Col. Mayor tuwing Biyernes mula sa tauhan ni Don Ramon na si Boyet kalabaw at sa “sakla king” na si Toti.

Pero duda ko naman ay sinisiraan lang si Col. Mayor!

Kaya lang, kernel, bakit nga ba hindi mo kayang ipahuli ang operasyon ng dalawang ito?

Patong ka nga ba? Tanga? O sinusubukan mo lang talaga si Gen. Espina? Sagoooot!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply