Epekto ng El Niño mararanasan bago matapos ang taon

MALAKI ang posibilidad na maramdaman sa huling bahagi ng taon o unang bahagi ng 2013 ang epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito umano ay sa gitna nang patuloy na pagbabantay sa posibilidad nang pamumuo ng El Niño at kung matutuloy ay hindi na ito aabutin ng panahon ng tag-init.

Una nang itinaas ng PAGASA ang El Niño watch sa posibilidad na mabuo ito sa Pacific Ocean.

Ayon sa PAGASA, ‘below normal level’ ang ulan sa Visayas at Mindanao na indikasyon na makararanas ng epekto ng El Niño.

Dahil dito, asahan na ang mas mababa sa normal na lebel na pag-ulan at direktang maaapektuhan ang mga nasa Silangang bahagi ng Northern at Central Luzon kabilang na ang Palawan, ilang lugar sa Western at Central Visayas at Western Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply