Epekto ng lindol sa Samar, ‘minimal’ lang – NDRRMC

KINALMA ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang residente na minimal lamang ang epekto ng malakas na lindol sa bahagi ng Eastern Samar kagabi.

Sinabi ni NDRRMC Executive Dir. Benito Ramos na nagdulot lamang ng bahagyang sira ang tulay sa Mercedes, Eastern Samar dahil nasira ang dalawang approaches nito at light vehicles lamang ang maaring dumaan sa naturang tulay.

Nagkaroon din ng maliit na bitak ang gymnasium sa ora, Eastern Samar.

Nilinaw din ni Ramos na hindi direktang maiuugnay sa lindol ang namatay sa landslide sa Cagayan De Oro.

Malakas umano ang pag-ulan sa lugar bago naitala ang intensity 4 na pagyanig sa CDO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply