Espina makikipagpulong sa 17 mayors vs krimen

PLANO ng bagong Metro Manila police head Chief Superintendent Leonardo Espina na makipag-usap sa 17 Metro Manila mayors para hingin ang kanilang kooperasyon sa paglaban sa kriminalidad.

Sa ikakasang pagkikita, ipaliliwanag ni Espina sa mga mayor ang kanyang peace-and-order plan upang maiayos nila nang maigi ang proseso sa pagsugpo sa lumalalang krimen sa Metro Manila.

Ayon sa ulat, nakausap na ni Espina sina Herbert Bautista (Quezon City) at Alfredo Lim (Manila).

Sa pulong, sinabi ni Espina na imumungkahi niya ang pagpapakalat ng police personnel at kukunin ang serbisyo ng village officials para tumulong sa kapulisan.

Nauna rito, ibinalik ni Espina ang pagkakasa ng secret marshals o undercover police sa loob ng pampublikong sasakyan para masawata ang mga holdaper.

Inatasan na rin niya ang kanyang tauhan na makipagtulungan sa mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng curfew sa mga kabataan sa pampublikong lugar.

Maliban sa Manila at Quezon City, kabilang din sa Metro Manila ay ang Pateros, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig, Parañaque, San Juan, Taguig, at Valenzuela City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply