Espina, pinuri sa paglilinis sa PNP

PINAPURIHAN ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang bagong talagang hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na si P/Chief Supt. Leonardo Espina kaugnay sa ginawa niyang paglilinis sa hanay ng kapulisan.

Sa kabila naman nito, nagpahayag pa rin nang panghihinayang at kalungkutan si Cruz

dahil kung sino pa aniya ang pulis, na inatasan ng gobyerno na magpatupad ng batas, ay siya pang lumalabag sa batas.

Umaasa rin si Cruz na ipagpapatuloy ni Espina ang kanyang naumpisahan upang tuluyan nang mabawasan ang mga pulis na sangkot sa anomalya.

Matatandaang matapos mabiktima ng pangongotong ang kanyang anak ay kaagad na sinibak sa tungkulin ni Espina ang dalawang pulis nito.

Ipinag-utos din kaagad ni Espina ang pag-imbentaryo sa iba pang kasong kinasangkutan ng mga alagad ng batas at kaagad na resolbahin ang mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply