Establisimiyento bumigay, tiles at bubungan ng Prince Hotel nasira sa lindol

ISANG establisimiyento ang napaulat na bumigay makaraan ang pagyanig ng magnitude 7.7 na lindol kagabi sa AD Curato St. sa Butuan City.

Ayon sa isang ulat sa radio, ilang segundo lamang matapos ang lindol ay bumigay na ang establisimiyento na inuupahan ng Je Tech Telecom Cellphone Repair Center.

Nabatid na matagal na ring naitayo ang naturang establisimiyento at hindi na nakayanan pa ang pagyanig dahil sa kalumaan nito.

Kaugnay nito, nasira rin umano ang ilang mga tiles at bubungan ng Prince Hotel na siyang pinakamataas na gusali sa lungsod bunsod pa rin ng malakas na pagyanig.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply