Estudyante bawal na sa computer rental shops sa QC

BAWAL na ang mga estudyanteng nasa elementary at high school sa Quezon City na pumasok sa mga computer rental shops o internet cafes sa oras ng klase.

Kasunod ito ng pagpapasa sa ordinansang magre-regulate ng operasyon sa mga internet cafes o computer rental shops sa QC, para sa mga estudyanteng magkakasa ng school work ay papayagan lamang pumasok sa mga nabanggit na establsimento sa pagitan ng alas 4 ng hapon hanggang  alas 11 ng gabi.

Sa nasabi ring ordinansa na inaprubahan na kamakailan, ang mga may-ari ng internet cafes o computer rental shops ay kinakailangan din tignan ang mga IDs at class schedule ng mga estudyante para maipatupad ang strict compliance sa nasabing probisyon.

Ang ordinansya, na nilagdaan para maging batas ni QC Mayor Herbert Bautista noong Agusto 29, ay ikinasa ni District IV Councilor Racquel Malangen.

“Entry of minors to internet cafes or computer rental shops must be regulated to prevent excessive playing of computer games especially during school hours, which, according to recent studies, has an adverse effect on the student’s performance in school,” pahayag ni Malangen.

Sa ilalim ng bagong ordinansa, hindi rin pinahihintulutan ang internet pornography at on-line gambling sa lahat ng mga internet cafes o computer rental shops na nag-ooperasyon sa lunsod.

Para maalis ang access sa lahat ng pornographic at on-line gambling sites, pinalalagyan ng lunsod ang mga establisimyento na magkasa ng filtering software at maglagay din ng sapat na ilaw sa loob nito para nakikita ang lahat ng nangyayri sa loob nito.

Papatawan naman ng city government ng penalties ang mga may-ari ng mga establisimyento na mula P2,000 hanggang P5,000  at posibleng pagsuspinde o pagkansela ng kanilang business permits and license.

Para naman sa sinomang indibidwal na nahuling nagkakasa ng seksuwal na aktibidades na isang paglabag sa Section 4 (a) ng nasabing ordinansa ay pagbabayarin ng P3,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply