Ex-Ateneo president nagbitiw sa kumpanya ni MVP

NAGBITIW bilang independent director si Fr. Bienvenido F. Nebres, presidente ng 18 walong taon ng Ateneo de Manila University’s (AdMU) sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) na pag-aari ni Manny V. Pangilinan.

Ayon sa source, tinanggap naman agad kaninang umaga  ng nasabing kumpanya ang pagbibitiw sa puwesto ni Nebres.

“Nebres has no disagreement with the Board and there are no matters relating to his resignation that need to be brought to the attention of the shareholders of the company. His resignation is not expected to have any significant impact on the company’s current or future operations…”

Pinalitan ni Nebres si Fr. Joaquin Bernas noong 1993 bilang Ateneo President at nagsilbi haggang Hunyo 1, 2011.

Ang pagbibitiw ni Nebres ay sinasabing parte ng  sigalot sa pagitan ni businessman Manny Pangilinan at ang kanyang alma mater.

Nitong nakaraang linggo lamang, sumulat si Pangilinan kay incumbent AdMU President Jett Villarin na hindi na niya susuportahan ang Ateneo dahil sa estado ng Jesuit school hinggil sa Reproductive Health bill at mining.

Si Pangilinan, na CEO at managing director ng First Pacific Limited, ay nagbantang ibabalik ang holding company’s headquarters sa Hong Kong matapos na siya ay idawit sa isa pang kontrobersya sa Scarborough Shoal dispute.

Dahil sa alingasngas, narinig na sinabi ni Pangilinan na  “Kung ako lang I’d go back to Hong Kong… ang gulo-gulo nyo.”

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply