Ex-kasambahay ng mga Marzan dumulog sa DoJ

DUMULOG muli sa Department of Justice sina Bonita Baran at Public Attorneys Office Chief Percida Acosta para hilingin na mabigyan ng proteksyon ang dati ring kasambahay ng mag-asawang Marzan na lumutang para tumestigo sa kaso ni Baran.

Si Evalyn Tanael ay lumutang para ilahad na maging siya ay dumanas din ng pananakit sa kamay ni Analiza Marzan nuong siya ay namamasukan pa sa mga ito nuong taong 1999.

Ayon kay Acosta, hihilingin nila sa DOJ na maisalalim din si Evalyn sa Witness Protection Program.

Tinukoy naman ng WPP na pag-aaralan muna nila nang mabuti ang kahilingan ng kampo ni Baran.

Ayon kay Evalyn, dalawang buwan na siya nuong nagsisilbi sa mga Marzan nang siya ay sinimulang maltratuhin ni Analiza sa pamamagitan ng pagkurot, pananampal at pananabunot dahil sa kakaunting pagkakamali.

Kinumpirma naman ni Acosta na si Bonita ay tumutuloy na sa safe house at mayruon na rin itong mga security escort makaraang pormal na maisalalim sa WPP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply