Ex-mayor ng Aklan, pumanaw na

PUMANAW na ang dating alkalde ng New Washington at kilala na kabilang sa prominenteng pamilya sa Aklan.

Ayon kay Msgr. Albert Venus, pumanaw na ang kanilang ama na si  Dr. Eriberto “Berting” Venus, 80.

Nagsilbi si Dr. Venus nang halos 34 taon sa New Washington bilang mayor simula 1963 hanggang 1998 at naging Sangguniang Panlalawigan member simula 2004 hanggang 2007.

Nabatid na noon pang Setyembre 18, Martes, nang sumakabilang buhay si Dr. Venus makaraang dalhin ng kaanak nito sa  Phil. Heart Center dahil sa pagsama ng kanyang pakiramdam.

Sinalubong naman ang labi ni  Dr. Venus sa Aklan noong araw ng Linggo  na pinangunahan ng mga opisyal ng probinsiya sa Kalibo International Airport at inihatid sa kanyang bahay sa bayan ng New Washington.

Ang labi ni Dr. Venus ay dadalhin sa provincial capitol sa Setyembre 27, at sa Biyernes ay sa munisipyo ng New Washington upang makita ito ng kanyang mga kababayan sa huling pagkakataon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply