Ex-PBA import, tiklo sa pambabato ng kotse sa QC

KINUWELYUHAN ng pulisya ang dating sikat na manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) import na si Billy Ray Bates matapos mambato ng nakapardang kotse na pag-aari ng isang negosyante sa Quezon City.

Pero pagdating sa Quezon City Police District-station 7 (QCPD,  hindi na itinuloy ang reklamo laban sa tinaguriang Black Superman ng PBA dahil nakipag-ayos na ito sa  negosyanteng si Carlos Vicente, 48-anyos ng Poject 4, Q.C. na kanyang babayaran na lamang ang naging danyos ng kotse nito.

Ayon kay P02 Alvin Quisumbing, QCPD station 7  investigator, naganap ang insidente dakong 12: 20  kaninang madaling araw sa mismong parking space ng Farmers Market sa Cubao, Q.C.

Ayon kay Quisumbing bago ang insidente ay nakita umanong pasuray-suray na naglakad si Bates sa lugar nang sa hindi malamang dahilan ay biglang pumulot ng bato at  ipinukol sa limousine ni Vicente.

Agad namang tumakas si Bates ngunit makalipas ang ilang oras ay namataan ito ni Vicente sa Cubao kaya dali-daling humingi ng saklolo sa QCPD station 7 na umaskyon agad at dinampot si Bates.

Sa presinto, itinanggi naman ni Bates na lango siya sa alak kaya niya binato ang sasakyan ni Vicente at itinaggi rin niya ang akusayon laban sa kanya.

Sinabi din ni Bates na hinoldap siya ng dalawang kalalakihan sa lugar at tinangay ang kanyang passport, cellphone at P7,000.00.

Si Bates ay dating import ng Great Taste Coffee, Crispa and Ginebra noong dekada ’80 at minsan na rin na hinirang na best import noong naglalaro pa ito sa Crispa Redmanizers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply