Ex-PNP comptroller De la Paz, misis, pinalulutang

HINIKAYAT ng government prosecutors ang Sandiganbayan na pilitin na palutangin ang dating Philippine National Police (PNP) comptroller na si Eliseo de la Paz at ang misis nitong si Maria Fe.

Sinampa ng prosecutor ang urgent motion sa anti-graft court matapos na malaman na  hindi na umuuwi ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Quezon City nang mahabang panahon.

At kung hindi magpapakita sa Sandiganbayan bukas ng umaga (Setyembre 28) hihilingin ng prosekusyon sa awtoridad ang pagpapalabas ng arrest orders laban sa mag-asawa.

Ang magasawang  De la Paz ay nahaharap sa kasong paglabag sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) laws matapos na mahuli silang may dalang 105,000 euros o P6.9 milyon sa Moscow, Russia may apat na taon na ang nakararaan. Nagpiyansa ang magasawa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

Ang pagpapatuloy ng kanilang pagdinig sa Sandiganbayan Fifth Division ay nasuspinde noong Pebrero 2012 kasunod ng muling pagbubukas ng imbestigasyon sa kaso sa Office of the Ombudsman.

Nang tinangkang isilbi ng mga imbestigador na nagkakasa ng bagong pagsisiyasat  ang notices sa mag-asawang Dela Paz sa kanilang bahay sa  32 San Felipe Street, San Beda Village, sa Quezon City, wala ng tao sa kanilang bahay.

Sinabi ng courier ng Ombudsman na sinabihan siya ng isang security guard na ang bahay ay matagal nang walang nakatira at ang may-ari nito ay hindi na pumupunta sa mahabang panahon.”

Dahil hindi malaman ang kinaroroonan ng mag-asawang Dela Paz, hiniling ni Toribio sa anti-graft court na pilitin silang dumalo sa pagdinig bukas ng  8:30 a.m.

“Otherwise, we shall be constrained to move for the cancellation of their bail and the issuance by the court of a warrant for their immediate arrest,” dagdag pa nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply