Executive director ng NWRB nagretiro after 38 years of hard work

NAGRETIRO mula sa serbisyo sa pamahalaan kamakailan si Executive Director Vicente S. Paragas ng National Water Resources Board (NWRB) noong September 11, 2012.

Ang mga kawani ng NWRB staff ay naghanda ng isang simpleng tribute o despedida party sa VSP Hall, NWRB. Kinagabihan, isang salu-salo ang ginanap sa Don Antonio Heights Clubhouse, Commonwealth, QC. Nagsimula ang palatuntunan sa isang panalangin ni Information Officer Felisa M. Manlulu; kasunod ang makabagbag-damdaming pambungad na pananalita ng Officer-in-Charge ng Office of the Deputy Executive Director at kasalukuyang pinuno ng Water Rights Division Atty. Elenito M. Bagalihog.

Dumalo si DENR Kalihim Ramon J.P. Paje at nagbigay ng kanyang mensahe, “Executive Director Paragas ay isang mahusay na manager ng kanilang departamento at hindi dapat minamaliit, hindi siya mawawalan ng trabaho dahil siya ay isang entertainer”.

Pinasalamatan ni Executive Director Paragas ang mga panauhing dumalo at ang mga kawani ng NWRB para sa pagsasagawa ng isang hindi inaasahang pagdiriwang na noon lamang niya nalaman sa isang kaibigan na nagtanong kung saan gaganapin ang selebrasyon. Ang VSP Cup on Inter-Color Bowling Competition ay kanyang ginawad sa mga nagwagi pagkatapos niyang magbigay ng mensaheng pasasalamat.

Ibinigay ang Plaque of Appreciation kay Executive Director Paragas ni Attorney Elenito Bagalihog kasama sina Administrative and Financial Division Chief Belen Tormon at Policy and Program Division Officer-in-Charge Isidra Peñaranda para sa kanyang ipinakitang propesyunal at makabagong pamamahala, ang kanyang tapat na paglilingkod sa pamahalaan pati na ang kanyang dedikasyon sa ahensiya na nagsilbing inspirasyon sa ibang mga opisyal at empleyado noong Setyembre 11, 2012, araw ng kanyang kapanganakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply