Expose ng Lily’s Files, pinatotohanan ng sinibak na opisyal ng PDEA

PINATOTOHANAN ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Assistant  Director Carlos Gadapan, ang nauna nang lumabas sa Lily’s files Column ng pahayagang Remate kaugnay sa isyu ng pagsusugal ng asawa ng isang mataas na opisyal ng nasabing ahenssiya.

Kaninang umaga ay personal na nagsadya sa tanggapan ng Quezon City Police District (QCPD) Press Corps si Gadapan upang ibulgar ang kanyang nalalaman sa talamak na pagsusugal ng asawa ni PDEA Undersecretary  Jose Gutierrez , Jr., dala ang ilang mga dokumento kabilang na ang umano’y mga tseke na ipinambayad ng asawa  ng opisyal.

Ang pagbubulgar ni Gadapan ay kanyang ginawa makaraan siyang sibakin ng Malakanyang bilang assistant secretary at director for operations sa hindi umano malamang kadahilanan.

Naniniwala si Gadapan na ang pagkakasibak sa kanya ng  Palasyo ay posibleng may kinalaman  sa kanilang personal na alitan ni USEC Gutierrez na nagsimula pa noong nakalipas na buwan ng Hulyo.

Ayon kay Gadapan,  simula nang sabihin niya  kay Gutierrez na ang asawa nito ay nalululong sa sugal at nagpapatalo ng malaking halaga ay naging matamlay na ang pakikitungo nito sa kanya.

“Magmula noon ay napansin kung medyo matamlay na siya  sa akin at hindi na ako kinakausap, tapos  yung mga dati kung ginagawa ay pinahinto na niya at hindi na rin ako ang pumipirma sa mga dati kong pinipirmahang dokumento,” ang sabi ni Gadapan.

Maraming isiniwalat na anomalya si Gadapan kabilang na ang umano’y pagtanggap ni Gutierrez ng P8 million mula sa isang suspek sa isang  drug operation.

Ayon pa  rin kay Gadapan,  malaki ang naging epekto  sa PDEA ng pagsusugal ng asawa ni Gutierrez  dahil ang ahensiya  mismo ang nagdusa  nito.

Inamin din ni Gadapan na mismong siya ay inutangan din ng asawa ni Gutierrez ng malaking halaga   pero hindi niya ito nabigyan dahil wala naman siyang  pera.

Sa katunayan umano, isang director din ang inutangan  ng P400 thousand ni USEC Gutierrez at ang naging kapalit ay ang kanyang kasalukuyang puwesto sa ngayon.

Matatandaang ipinag-utos  ni Pangulong Aquino na sibakin si Gadapan sa kanyang puwesto  noong nakalipas na linggo dahil sa “loss of trust and confidence”  na pinalagan naman nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply