Extradition ng ex-opisyal ng BSP, kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals ang desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 8 na tumutugon sa kahilingan ng Hongkong government na ma-extradite dating opisyal ng Central Bank of the Philippines (Bangko Sentral ng Pilipinas) .

Sa 32 pahinang desisyon ng korte, pinayagan ng CA ang extradition ni Juan Antonio Muñoz, dating pinuno ng Treasury Department ng BSP.

Si Munoz ay nahaharap sa sampung bilang ng kasong kriminal dahil sa pagtanggap ng illegal payment mula sa subsidiary ng Standard Chartered Bank.

Batay sa sinulat na desisyon ni Associate Justice Hakim Abdulwahid ng CA 6th Division, ibinasura ang petisyon ni Muñoz na kumukuwestiyon sa naging ruling ng mababang korte noong November 28, 2006.

Sa naturang desisyon ng Manila RTC, ang mga dokumentong isinumite ng HongKong government ay tumutugon sa mga rekisito na itinatakda sa RP-HongKong Extradition Treaty.

Sinabi ng mababang hukuman na hindi nila saklaw ang depensang inilatag ni Muñoz lalo pa at limitado ang kapangyarihan ng mababang korte sa pagtukoy kung ang extradition request ay sumusunod sa tratado ng extradition at kung ang tao na hinihingi ay extraditable.

Sa desisyon ng CA, binalewala ang argumento ni Muñoz na hindi na umiiral ang RP-HK agreement matapos na maging bahagi ng China ang HongKong noong July 1, 1997.

Ayon pa sa CA, kahit naging bahagi na ng China ang Hongkong, may karapatan pa rin ang HK na pumasok sa mga international agreement kabilang na rito ang extradition treaties.

“It is thus misplaced for [Munoz] to claim interruption in the effectivity of the treaty and expect further state action from either HongKong or China beyond the explicit pronouncements… Clearly, it would be most unfair to prevent [HongKong] from resorting to the extradition of [Munoz] on the imagined lack of reciprocity because, aside from the unequivocal declaration of China’s intention to allow HongKong to honor the treaty”, ayon sa CA.

Giit din ng Court of Appeals na maging ang Pilipinas ay nakikinabang din sa RP-HK extradition treaty nang ipa-extradite ang mga akusadong sina Alfredo Tiongco at ang sinasabing drug lord na si Calvin de Jesus Tan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply