Female singer ‘di binibigyan ng dignidad ni madir!

HINDI raw binibigyan ng dignidad ng inang mahilig umeksena ang kanyang anak na singer. Kahit kasama nito ang huli sa kinakainang resto o pagtitipon ay binabalot talaga nito ang kanilang mga tirang lafang. Ultimo sandwich ay hindi pinapatawad.

Walang keber si madir sa mga nakakikilala sa kanila kaya napayuyuko na lamang sa kahihiyang ang sikat na singer.

Napakayaman ng nanay na ito dahil lahat nang kinikita ng anak niya ay siya ang humahawak. Katunayan, sa isang lugar sa Quezon city, ‘yung kahabaan ng malawak na kalye ay halos makopo na nila ang puwesto mula sa bahay, tindahan at kung anik-anik pang establisimiyentong pag-aari nila. Baka bukas makalawa ay pangalan na ang lugar ng ‘S’ highway….’yun na!

***

Mikey Arroyo masisipa sa pulitika

SI PHILIP Salvador ay na-disapprove ng Election Registration Board ng Pandi Bulacan ang application for transfer of registration nito mula sa 572 Wack Wack, Greenhills Mandaluyong to 54 Santisima St. Bagong Barrio, Pandi, Bulacan kaya malabo nang makatakbo pa siya bilang vice governor ng Bulacan. Kung naaprubahan kasi ito ay masasabing residente talaga siya ng naturang lugar. At dahil napatunayang hindi naman siya tagaroon kaya wala siyang ‘k’ na kumandidato rito.

Saan ka naman kasi nakakita ng isang indibidwal na nagsasabing tagaroon siya sa nasabing lugar pero walang tirahan. May pinakikita namang bahay, wala pang kuwarto, kusina at banyo. Susmaryosep! Ano ‘yun, kulungan ng baboy? Hahaha!

Anyway, kung si Ipe ay na-disqualified dahil sa kapos sa panahong paninirahan sa Bulacan, si Mikey Arroyo ay matsutsugi naman ang kanyang Ang Galing Pinoy partylist pagkatapos (kasama siya siyempre) ng ilang taong pag-represent dito. Napakayaman daw kasi ni Mikey para maging lider ng mga tricycle drivers at security guards. Dapat ay kaisa siya nila o kauri para maging lihitimong representative ng mga ito.

Sinasabing nabigong magpakita ng dating aktor at presidential eldest son kasama ang iba pang nominado sa ilang hearing ng Comelec para sa re-validation ng accreditation ng kanilang grupo at hindi rin sila nakapagsumite ng requirements at ebidensiya na nagpapakitang sila ay nagre-represent bilang marginalized sector.

May mga birong dapat daw ay mga imported na kabayo ang i-represent ni Mikey dahil dito raw siya mahilig. Hehehe!

Kidding aside, nagpahayag na din naman ang alaga ni Direk Willy Milan na hindi na rin siya interesado sa politika. Sa susunod na taon daw ay hindi na siyang muling tatakbo sa anumang posisyon. Ibig sabihin, tanggap na niya ang magiging kapalaran ng kanyang pagiging lider ng mga jaguar at traysikol driver. Hehehe!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.co m at maari rin kaming mapakinggan sa Star na S tar sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.   

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply