Fetus natagpuan sa bubong ng bahay sa Antipolo

NATAGPUAN ang isang fetus sa bubong ng isang bahay sa Barangay Mayamot sa Antipolo City.

Nabatid na natagpuan kahapon ang naturang fetus na may anim na buwang gulang ng isang pitong-taong gulang na batang babae at agad ipinagbigay-alam sa kanyang ina.

Sunog na ang kalahating bahagi ng katawan ng sanggol na hinihinalang tatlong araw nang itinapon sa bubong.

Dinala ng mga awtoridad ang naturang fetus at pinabendisyunan na at nakatakdang bigyan ng maayos na libing.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply