Fetus tinangkang i-flush sa inidoro

NABUKING ang isang nanay sa tangkang pagpa-flush nito sa kanyang sariling “anak”  sa inodoro  ng isang ospital sa Malate, Maynila kaninang umaga.

Sa report ni PO2 Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 9:00 ng umaga nang natagpuang ang isang tinatayang 4 hanggang 5 buwan fetus sa inidoro ng pambabaeng palikuran sa Ospital ng Maynila sa Qurino Highway, Malate, Maynila.

Ayon kay Jerico Bermudez, utility ng ospital, maglilinis sana ito nang napansin ang fetus sa inidoro dahilan upang ipagbigay alam sa sekyu na siyang nagreport sa pulisya.

Hinala ng pulisya na tangkang i-flush ang fetus ng kanyang “ina” subalit hindi ito naisakatuparan dahil sa pagpasok ni Bermudez.

Ang fetus ay kasalukuyang nakalagak sa St. Yvan funeral homes para sa safekeeping.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply