Field trips sa dolphin shows, ipagbabawal

IPAGBABAWAL ang mga field trips ng mga eskwelahan sa mga theme parks na nagpapalabas ng mga dolphins at mga balyena sa oras na makalusot ang House Bill 2759 sa Kamara at maisabatas.

Sa nabanggit na resolusyon na inakda ni Kabataan Party list Raymund Palatino, nakasaad dito ang panawagan sa DepEd at Commission on Higher Education na ipagbawal ang ganitong uri ng mga field trip, na nagtuturo sa mga kabataan ng maling pananaw na katanggap-tanggap ang pagbihag sa mga hayup upang pagkakitaan .

Ayon kay Palatino, dinisenyo ang mga field trips upang palawakin ang kaalaman ng mga estudyante sa pamamagitan ng aktuwal na paglabas ng eskuwela patungo sa mga lugar na may kabuluhan, makasaysayan, at may leksyon sa kapaligiran at ecosystem.

Napag-alaman umano sa isang pag-aaral na ang panonood ng mga dolphins habang nagpapalabas sa mga marine parks ay walang itinuturong makabuluhang kaalaman tungkol sa mga nabanggit na hayup.

Ang patuloy na pagdaraos ng mga dolphin show ay isang dahilan sa patuloy ding panghuhuli ng mga dolphins at whales sa karagatan at ang pagkalagas ng mga ito na labis na makaka-apekto sa balanse ng ecosystem, dagdag pa ni Palatino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply