Fishing vessel sumadsad sa Davao del Sur: 23 tripulante nasagip

NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) ang 23 tripulante sa sumadsad na fishing vessel sa mabatong bahagi ng baybaying sakop ng Jose Abad Santos, Davao del Sur.

Ayon sa  report, nagkaproblema umano ang steering wheel ng F/B QUESTION L-5 na pag-aari ni Roberto Cantoja ng General Santos City kaya sumadsad ito kahapon.

Dahil mababa ang tubig ay hinintay munang tumaas ang tubig bago tuluyang naalis ang barko sa pamamagitan ng paghila dito.

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nailigtas na tripulante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply