Fixers na taga-DENR at turista ayaw padyinggelin

HAYAAN naman po nating ihayag ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaisipan, damdamin, reklamo at iba pa.

Heto po sila.

MASIKIP AT PUNGGOK

Good am po. Tungkol po ito sa mga PUJ na ang upuan ay pilit na sinasabi kung ilan dapat ang pasahero kaya hirap ang mga sumasakay. E paano kung malalaki ang sakay.  At ‘yun po namang mga tricycle, paano nagkakaroon sila ng license na ang bubong nila e sagad sa ulo ng pasahero. Pwede ho bang makarating ito sa kinauukulan? Kung sino ang dapat.  Para po sa lahat.  Salamat po. 0929778….

FIXERS NA TAGA-DENR

Good day po. Dito po sa Bicol, ang DENR employees sa Goa and Naga ay siya rin po ang mga fixer ng mga kumukuha ng permit sa uling. 0919382….

-000-

Good afternoon po, Mr. Benny. Pakiusap lang po na tawagan pansin kung sino man ang Mayor dito sa Quezon City. Tungkol po ito sa creek dito sa may Pasong Tamo, Tandang Sora malapit sa SEAOIL.

Ubod nang dumi ang mga naglalakihang bato at basura at dapat linisin na ngayong tag-init pa. Kasi umapaw po  ito noong Ondoy at kami po ay binaha.
Marami pong salamat, Mr. Benny. Sana’y makita nila ang depekto para maaksyunan bago ang tag-ulan. Bless you, Sir. 0947797….

GALUNGGONG AT NOON AT NGAYON

Puna raw sa mga Marcos. Ang halaga ng galunggong noong umupo si  Macoy ay P2.00 at noong umalis siya, naging P20.00. P140/kilo na ngayon. How come na naging issue sa mga Marcos yan? You must remember, kung  sino ka man 0908253…. Nag-umpisang magmahal ang galunggong sa panahon ng Cory government hanggang ngayon. Bato-bato sa langit po. 0946257….

KONTRA SA RH BILL

Good pm po. About po sa RH bill. Ang pagkakaalam ko po rito ay dapat po nating huwag ipatupad ang RH bill. Kasi po, pag humingi po ang mga anak natin ng condom at hindi po natin nabigyan pwede pong kasuhan ng mga anak ang kanilang mga magulang. 0909942….

TURISTA AYAW PADYINGGELIN

Sa Caticlan jetty port dito sa Aklan, walang modo ang namamahala rito. Mantakin mo, Sir Benny, ayaw nilang pagamitin ng CR kung hindi daraan dito sa Caticlan ang mga turistang Korean. Sana’y mabasa nila sa dyaryo ito. Thanks sir. 0928439….

ALLOWANCE KINAKATKONG

Good am po, Sir Benny. I am a concerned citizen from Bamban, Tarlac. Gusto ko lang po na ipaalam sa kinauukulan ang tungkol sa iregularidad ng pamamalakad ng aming brgy. captain dito sa aming barangay. Taga-Barangay San Nicolas, Bamban, Tarlac po ako. Actually kabayanan po ang barangay namin at sentrong barangay ng aming bayan.

Concerned lang po ako at naaawa sa mga kababaryo ko na masisipag na nagtatrabaho sa aming barangay.
Maliliit na nga lang po ang allowance nila ay di pa nila regular na natatanggap. Halos 6 months o higit pa bago nila matanggap ito.

‘Di po namin alam kung saan dinadala ng brgy. captain o ng iba pang brgy. officials ang pondo ng brgy. Kawawa po ang mga maliliit na nagtatrabaho kung ‘di naibibigay sa kanila ang konting allowance na para sa kanila naman.

Salamat po, sir. Sana mailathala po ninyo ang text message ko para mabasa ng brgy. captain at mga brgy. councilor ang message  ko. Pakiusap lang po, ‘wag ninyong ilathala ang name at cp # ko.

Salamat po, Sir, mabuhay po kayo.

BALAHURANG LALAKI

Good pm. Gusto ko lang pong iparating sa brgy. hall ng Tejeros, Makati na kung sakali  man po na nagtatrabaho sa kanila ang isang Jun  Osolio, pakiusap lang po, pakituruan po ng magandang asal yan dahil kalalaking tao, daig pa ang p..t..g babae sa mga itine-text at pumapatol sa babae.
Ipinagmamalaki pa ang mga koneksyon niya at mahilig manakot sa text. Salamat po. 0917607….

PROBLEMA SA 4ps

Nagpapahiwatig po sa radio lokal ang DSWD na aalisin na ang 4PS program na sinimulan dito noong 2011 at hanggang 4 na taon pa dahil fixed ito? Maliwanag na pupunta ang pondo, sa mga pro-prosti ng DSWD at bugaw na politiko. Ang ilan ay may record ng tulo! 0909581….

HALO-HALONG KAMALASAN

Sa pagkamatay n J.R., nag-umpisa na ang jueteng, tapos kidnap for ransom at iba pa ang susunod. Dito, may milf-asg-cpp-npa ndf. May droga, gun for hire,  gun running at iba pa. Mas garapalan ngayon! a.@rleo.com.ph. 0909581….

MARURUPOK NA HOUSING

Mga pamilyang nag-evacuate sapilitang lumikas hindi dahil sa baha at bagyo, kundi dahil sa bulok na pabahay ng gobyerno. Kasi noong bagyong Gener, ‘yung bubong sa pabahay sa Gaya-Gaya, Bulacan ay inilipad ng hangin. ‘Yung iba, tumupi ang mga parlina! Paging vice President Jojo Binay.

May matinding militarisasyon sa probinsya ng Quezon at kami’y nananawagan  kay Pangulong Aquino na paalisin ang militar upang muli silang makabalik sa kanilang lugar.

SUNGKAANG KALSADA

Sir Benny, kailangan na maayos ang daan dito sa McArthur highway sa tapat ng golf course dito sa Mabalacat, Pampanga. Ang dami na rin kasing nangyaring aksidente rito at traffic na lang lagi dahil sa malalaking butas ng kalsada. 0921621….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply