Flight school na ipinasara sa Subic, kakasuhan ng NBI

SASAMPAHAN ng patung-patong na kasong syndicated estafa ang ipinasarang flight and airline training school kaugnay sa panloloko ng milyun-milyong halaga ng tuition fee ng mga estudyante.

Sa rekomendasyon ng National Bureau of Investogation(NBI), ang mga respondents ay sina Naomi Sarmiento, chief executive officer ng Achievers Airline College (na kilala din bilang Al Indigo & Subic Achievers Aviation Inc.), at iba pang John Does at Jane Does kaugnay sa pagsosoli ng naibayad na tuition ng mga estudyante sa paghinto ng operasyon ng mga eskwelahan sa Subic, Pampanga at Baguio City .

Ang pagsasampa ng kaso laban sa mga respondent ay bunsod na rin sa naging desisyon ng mga biktimang estudyante nang ipasara ni Mayor Mauricio Domogan ng Baguio City ang aeronautics school branch sa Baguio City dahil sa kakulangan ng registration requirements mula sa Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

Nabatid na ang nasabing aeronautics school ay hindi rehistrado, bukod pa sa kawalan ng takdang curriculum, naninigil pa ng sobrang taas ng tuition fee at penalty sa mga nade-delay ang pagbabayad, wala ring outdoor activities gaya ng naipangako sa mga enrollees.

Kabilang sa complainant ng nasabing flight schools ang isang Sachico Lardizabal, ng Purok 3, Kias, Baguio City.

Ayon sa NBI, bawat estudyante umano ay nagbayad ng P50,500 hanggang P64,000 sa layuning makakuha ng magandang trabaho .

Nang iberipika, nakumpirma ng NBI kay TESDA representatives Margarita Lamsis at Nancy Dasayon na noong lumipat mula sa Plaza Natalia, sa Naguilian Road ang nasabing eskwelahan na dating nag-ooperate bilang Subic Achievers Aviation Inc. , sa bagong site nito sa Legarda Road ay hindi pa nag-aplay ng bagong certificate of program registration.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply