FOI BILL dapat ipasa na at mga iligal sa Malabon

SENADOR pa lang noon si Noynoy, pabor na ito na maipasa ang Freedom Of  Information bill, o ang panukalang batas na nagbibigay-karapatan sa sinomang mamamayan o mamamahayag na makakuha ng mga dokumento kaugnay sa anomang transaction ng pamahalaan.

Katunayan, isa pa sa mga ipinangako ni Sen. Noynoy Aquino noong siya ay nangangampanya pa lamang na kapag manalo ay kanyang susuportahan para maipasa itong FOI bill.

Ngayon, siya na si PNoy.

Ang Pangulong Noynoy.

Susuportahan pa kaya ni PNoy ang FOI bill? O ipababasura na ito sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso?

Maraming haka-haka, pare koy, na kaya pilit itong inililibing ng mga kongresistang kaalyado ni PNoy ay dahil sa utos ng Palasyo.

Kung hindi totoo ang tsismis, ipasa na ito agad bilang patunay na tapat si PNoy sa kanyang campaign promises!

Kung totoo naman ang tsismis, sana ay maghunos-dili ang Palasyo at magsekentot (second thought) para mapatunayang desidido si PNoy sa kanyang “matuwid na daan.”

At walang dapat ipangamba sina Rep. Neptali Gonzales II na magamit ito ng mga “hao-shiao” na mamamahayag para sirain ang imahen ng mga opisyal ng pamahalaan.

Dahil kung talagang malinis sila sa bawat transaction ay may kasabihang “you can never put a good man down”!!!

-o0o-

MATINDI na parekoy ang iligal na sugal sa Malabon City, ayon mismo sa ilang opisyal ng barangay nitong lungsod na minahal at inaruga ng namayapang mayor na si Tito Oreta.

Ngayong wala na si Mayor Oreta, may magmamalasakit pa ba sa Malabon City?

Kung meron pa eh, bakit laganap ang video karera  ni Boboy Go? Bakit umaalagwa tuwing Linggo ang tupa­da con sakla sa Cadima, Tonsuya Malabon?

Bakit hindi ito maipatigil ni Mayor Lenlen Oreta kay Chief of Police  S/Supt. Ferdinand Ampil?

May patong ba? Kanino?

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply