FOI bill malabo na maipasa

WALA nang pag-asang mapagtibay pa ang Freedom of Information (FOI) bill sa kasalukuyang 15th congress, ayon sa liderato ng Kamara.

Sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II, na maraming mambabatas ang ayaw na pagtibayin ang panukala dahil ginagamit na rin ito ng mga “hao siao” o hindi mga lehitimong mamamahayag para siraan ang mga pulitiko.

Ang pangamba, aniya, ng mga mambabatas at maging ng mga pulitiko ay magamit itong armas ng mga nagpapanggap na miyembro ng media para wasakin ang kredebilidad o mangikil sa mga umano’y tiwaling pulitiko.

Ipinaliwanag pa ni Gonzales na hindi absolute ang freedom of the press at dapat pa rin itong i-regulate para matiyak na hindi maabuso.

Ang FOI ay halos dalawang taon nang nakapending sa House Committtee on Information ngunit patuloy na umaasa ang may-akda nito na si House Deputy Speaker Erin Tanada na maipapasa pa ito ngayong 15th Congress.

“Ang FOI nasa komite pa. Ang problema kasi sa FOI, kapag ang impormasyon ay napunta in the hands of unscrupulous media. Ngayon lang may tumitira ng hao siao, bibigyan mo pa ng ganyang armas. Eh baka wala ng manungkulan sa gobyerno dahil sa takot na titirahin sila palagi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply