‘Foot patrol’ sa Manila ipinababalik ni Lim

INIUTOS ni Manila Mayor Alfredo Lim kay MPD-District Director Alejandro Gutierrez , na ibalik ang “foot patrol”, dahil  sa talamak na insidente ng holdapan kabilang ang pagkamatay ng 45-anyos na American national na walang habas na pinagbabaril ng mga holdaper na nadamay  sa panloloob sa isang convenient store kahapon sa Malate, Manila.

Ayon kay Lim, iniutos na nito sa pamunuan ng MPD, ang pagbabalik ng “footpatrol”, makaraang mabaril at mapatay ang amerikanong si Robert Armstrong,  General manager ng GTELP at residente ng Leon Allanigue St., Brgy., Village, Sucat, Parañaque City sanhi ng 5 tama ng bala sa katawan.

Gayunman, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga pagkakakilanlan sa mga suspek na ayon sa ilang testigo na tatlo ang unang pumasok sa loob ng 7-11 convinience store sa F.B. Harrison at P.Ocampo na dating Vito Cruz sa Malate, habang ang dalawa ang look-out sa labas.

Batay na rin sa isinagawang imbestigasyon na isinumite ni  Det. Alonzo Layugan, kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation section, dakong 2:15 ng hapon nang maganap ang panloloob ng mga suspek sa nasabing convinience store sa naturang lugar.

Nauna rito, pumasok ang mga suspek at nagpanggap na kustomer  at nang nasa loob na ay naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Isa sa suspek ang puwersahang kinuha ang laman ng cash registered machine na nagkakahalaga ng P30,000 cash.

Nang nakuha ang pera, inutusan ang mga empleyado ng nasabing tindahan kabilang ang Amerikano  na nasa loob at bumibili ng mineral water  at iba pang kustomer na manatili sa isang lugar.

Gayunman,  imbes na sumunod ang biktima ay tumakbo ito papalabas dahilan upang barlin ng isa sa mga suspek , habang papasakay na ito sa kanyang kotse (Mazda-ZTW-714).

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo sa direksiyon ng Gil Puyat sa Pasay.

Mabilis namang isinugod sa San Juan de Dios Hospital ang biktima, ngunit idineklarang dead on arrival.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply