Footbridges lalagyan ng mga guwardiya at gate

PLANO ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na isapribado na ang operasyon at maintenance ng mga footbridge na ipinatayo ng kanilang opisina sa Metro Manila.

Base sa pahayag ni  MMDA Chairman Francis Tolentino, isasakatuparan ang programa sa ilalim ng public private partnership.

Batay sa iprinisintang panukala ng advertising company sa MMDA,  lalagyan ng gate ang magkabilang dulo ng footbridge at popostehan ng dalawang gwardya, 24-oras.

Plano ring lagyan ng comfort room sa ibaba ng footbridge at popostehan din ng mga ilaw para maging maliwanag ang footbridge.

Samantala, sasaluhin naman ng mga kaagapay na private company ng MMDA ang gugugulin sa pagsasaayos ng  maintenance.

Bilang ganansya ng private companies,  papayagan ng MMDA na maglagay ng advertisement ang mga kumpanya lalo na sa mga hagdan ng footbridge.

Nakatakdang simulan ang pilot test sa Nobyembre sa walong footbridge kabilang na ang nasa  Edsa-Guadalupe.

Inaasahang nasa 2 milyong pedestrian ang makikinabang sa nasabing programa ng MMDA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply