Foreign investors dumadayo na sa bansa

NARARAMDAMAN na ng mga foreign investor at mamumuhunan ang mga ginagawang programa ng Aquino administration laban sa korapsyon.

Naniniwala rin si Western Samar Rep. Mel Sarmiento na ang mataas na satisfaction rating ni Pangulong Noynoy Aquino ang isa sa mga dahilan ng unti-unting pagdagsa ng mga foreign investor sa bansa.

Aminado rin si Sarmiento na ramdam na ngayon ng mga negosyante ang pagbabago at ligtas na silang mamuhunan sa bansa kaya dumarami na ang mga nailalaang trabaho ng pamahalaan para sa mga Pilipino.

Kasabay nito, nanawagan si Sarminto sa publiko na makipagtulungan sa pamahalaan para matiyak ang tagumpay laban sa korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan at agarang bumalik ang tiwala ng mga negosyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply