Forever loyalist of Daniel Fernando

HATAW sa buong Bulacan ang The Forever Loyalist of Daniel Fernando na ang Pangulo ay si Ariel Cunanan. Bawat bayan sa Bulacan ay may kinatawan ng kanilang organisasyon at loyal sila sa actor/politician at hanga sa commitment nito bilang actor at public servant.

Talagang sikat na sikat ang nasabing grupo sa buong Bulacan. Mabuhay po kayo Mr. President Ariel Cunanan na ang office ay sa Paltao, Pulilan, Bulacan.

Congrats rin po, Vice Gov. Daniel sa pagkakaroon ninyo ng mga tagahangang matitino at di taling-harap.

***

Ipinagtanggol si Chona Regine Velasquez

IPINAGTANGGOL naman ng mga Bulakenyo ang Mahal nilang kalalawigang si Chona Regine Velasquez sa mga isyung laos na, retoke Queen, gurang at kung anik anik pa. Sabi ng mga taga Bulacan, nag-iisa lamang ang Chona Regine Velasquez na anak ng Bulacan.

Never raw na nalaos ang kanilang Idolo. Katunayan, pararangalan ito bilang “Most Outstanding Actress Singer of the Year”.

Mabuhay si Chona!

***

Pakiusap ng mga fans ni Albie Casino

NAKIKIUSAP naman ang mga fans ng disenteng bagets idol na si Albie Casino na huwag ng banggitin pa sa publicity ng kampo ni Andi E. Tapos na raw na kabanata yun.

Imbierna ang mga fans sa mga patutsada ng kampo ni Andi E. Bongga ang mga fans ni Albie C. at aktibo ngayon para sa kanilang Idolo.

***

Si Paulo Avelino ang nagwagi

SA pilian sa Gawad Maharlika sa Bulacan, si Paulo Avelino ang nagwagi laban kay Coco Martin. Nagkaisa ang Board of Judges na kay Paulo Avelino ibigay ang “Most Outstanding Actor” Award. Congrats sa iyo Paulo. Idol ka talaga sa Bulacan.

***

Big four ng Bulacan

ANG Big Four Public Servants naman sa Bulacan ay sina Mayor Christian Natividad of Malolos, Mayor Ferdie Estrella ng Baliwag, Bokal Michael Fermin at Bokal Jonjon Delos Santos. Sina Mayor Christian, Mayor Ferdie,  Bokal Michael at Bokal Jonjon ang Big Four Public Servants ng Bulacan at Gawad Award.

***
Ms. Mila del Sol, naapektuhan sa sa gulo sa burol ni Dolphy

NAAPEKTUHAN pala ang Dakilang Actress na si Ms. Mila Del Sol sa gulo sa burol ni Dolphy.

Nabalitang naospital ang actress sa nerbiyos. Baston o tungkod pala ni Ms. Mila del Sol ang hawak ni Bisaya sa paghabol kay Chito Alcid.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply