Forex isinangkalan sa dagdag-bawas sa singil sa tubig

ISINANGKALAN ng Manila Water at Maynilad sa Foreign Exchange rate kung bakit kailangan nilang magtaas ng singil sa tubig simula sa susunod na buwan.

Batay sa ulat ng Manila Water, apektado ng palitan ng piso at ilang foreign currency ang singil sa tubig.

Ganito rin ang sinabing dahilan ng Maynilad kung bakit magpapatupad naman sila ng bawas singil sa kanilang mga customer.

Ayon kay Jeric Sevilla, Corporate Communications ng Manila Water Company, magsisimula ang dagdag-singil sa October 7.

Paliwanag pa ni Sevilla, may mga nauna silang utang mula sa MWSS na nasa halaga ng dollars at yen.

Sinabi nito na bagama’t tumaas ang halaga ng piso kontra dolyar ay bumaba naman ang palitan ng piso kontra yen na siyang dahilan ng P0.80 kada cubic meters na dagdag singil sa tubig.

Pero sa kabila nito, bababa naman ang singil ng Maynilad sa susunod na quarter kung gaganda ang palitan ng piso kontra dolyar at yen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply