Frat officer, tiklo sa hazing,1 pa tinutugis

NATIKLO na sa Bulacan province ang isang opisyal ng fraternity habang hinahanting naman ng pulisya ang isa pang nakatakas na kasabwat nito kaugnay sa pagkakasa ng hazing rites sa pitong bagong recruits kabilang ang isang menor de edad na babae.

Ang suspect na si Jayven Guan 19-anyos, na kasalukuyang nakaditine na sa Bulacan Police Office ay sinampahan na ng kaukulang kaso kaninang umaga.

Sinusuyod na ng mga tauhan ni Bulacan police chief Senior Supt. Fernando Mendez Jr sa kanyang pinagtataguang lugar ang isa pang suspect na si Renan Lizaba. Sina Guan at Lizaba ay kapwa criminology students at opisyal ng Scout Royal Brotherhood fraternity.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang initiation rites nitong Martes ng gabi sa isang bahay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Bago ito, may nakapagsumbong kay Mendez na may nagaganap na fraternity initiation rites sa lugar, kaya para mapigilan ang iligal na gawain ay sinalakay nila ang naturang bahay.

Sa nasabing pagsalakay, nahuli si Guan habang nakaligtas naman si Lizaba at nailigtas din sa tiyak na kapahamakan ang pitong bagong recruit na ang edad ay nasa pagitan ng 14 hangang 17 anyos kabilang ang isang 14 anyos na dalagita.

Ayon sa mga biktima nakaranas sila ng pagpapahihirap sa kamay nina Guan at Lizaba.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply