Friendly match ng Azkals, Laos nagkatensyon: PHL olats

BINALOT ng tensyon ang FIFA sanction friendly match ng Philippine Football Team Azkals at Laos.

Nag-umpisa umano ang girian ng dalawang koponan sa second half ng laro.

Nagkapikunan ang magkabilang koponan hanggang nauwi pa sa habulan bago naawat ng game officials.

Sa huli tinalo ng Laos ang Azkals, sa iskor na 2-1.

Marami ang nakapuna na hindi agresibo ang Azkals, tulad noong makaharap nila ang Singapore.

Sa first half ng laban, walang naka-goal sa dalawang team.

Pagsapit ng second half, nakadalawang goal ang Laos.

Absent sa laro ang mag-utol na sina Phil at James Younghusband dahil babang luksa ng ina nilang pumanaw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply