Gatchalian kapalit ni Gov Garcia sa UNA ticket

INIHAYAG ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian ang ipapalit kay Cebu Governor Gwen Garcia sa senatorial ticket ng United Nationalist Alliance (UNA) sa 2013.

Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni Estrada na pormal nang nagdesisyon si Garcia na umatras sa senatorial line-up kaya tatakbo na lamang ito bilang kinatawan ng Cebu sa Kongreso.

“I do not want to speculate, I do not have any authority to say this but I if would have a wild guess, we might take in Mayor Sherwin Gatchalian,” ayon kay Estrada.

Aniya, isa din sa dahilan kung bakit umatras si Garcia upang suportahan ang kapatid na nakatakdang tumabo bilang gobernador ng Cebu.

“I am in no position to divulge the plans of Gov. Garcia, but there are plans for her to withdraw as a senatorial candidate of UNA and I think she will run for congresswoman in her district in Cebu. Becuase she has to campaign for her brother as governor,” ayon kay Estrada.

Nauna nang nagpaalam si Garcia kay Vice President Jejomar Binay na tatakbo na lamang siya bilang kinatawan sa Kamara.

Sinabi ni Binay na walang kinalaman ang pag-atras ni Garcia sa resulta ng pinakahuling survey sa senatorial ticket.

Sa huling survey ng Pulse Asia, umabot sa pitong kandidato ng UNA ang nakapasok sa Magic 12.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply