Gatdula binigyan ng ultimatum ng DOJ

BINIGYAN ng Department of Justice (DOJ) ng “ultimatum” si dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula para magsumite ng kanyang counter affividavit ng hanggang Setyembre 21

Ang ultimatum ay kaugnay ng kasong kidnapping na isinampa kay Gatdula ng isang Japanese national.

Ayon sa DOJ ilang ulit nang hindi nakapagsumite ng kanyang counter-affidavit si Gatdula dahil sa kanyang nakabinbing petisyon sa Court of Appeals.

Nauna nang inirekomenda ng DOJ fact finding comittee na maisalang si Gatdula at ang iba pang opisyal ng NBI sa preliminary investigation para sa kasong kidnapping at serious­illegal detention.

Nag-ugat ang kaso sa ‘diumano’y pagdukot ng mga tauhan ng NBI sa Haponesa noong ika-29 ng Oktubre ng nakalipas na taon at kapalit ng kanyang paglaya, hiningan umano ng NBI ang foster family ng banyaga ng P15 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply