Gates ng 2 dam nakabukas

DAHIL sa inaasahan pang malalakas na ulan na mararanasan sa Luzon at Metro Manila nananatiling bukas ang mga gates ng Binga at Magat Dams na nasa hilagang Luzon upang bigyang daan ang paglabas na tubig sakaling umapaw ang mga ito.

Ayon sa huling forecast ng PAGASA, may inasahan pang mahina hanggang sa mga malalakas na pag-uulan ang mararanasan sa Hilaga at Gitnang Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas.

Ayon sa ulat, nakataas ng hanggang 0.6 meters ang isang gate ng Binga dam sa Benguet habang dalawang gates naman ang nanatiling bukas sa Magat dam na nasa Ifugao-Isabela simula kahapon ng alas 6:00 ng umaga.

Magmula kahapon ang level ng tubig ng Binga dam ay nasa 574.50 meters, mababa ng 574.61 meters noong Miyerkules.

Habang ang Magat Dam naman ay nasa 192.90 meters ang le vel bahagyang mas mababa mula sa 192.92 meters na nasukat noong Miyerkules.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply