Gay bar malakas sa Pasay City Hall

GUMAWI naman tayo sa area ng Pasay City at ating silipin ang gay bar sa siyudad na ito na hindi matinag dahil sa malakas ang koneksyon nito sa lokal na pamahalaan ng Pasay City.

Pambihira ang tinutukoy kong gay bar na ito dahil sa daig pa nito ang lahat ng mga nakapalibot na mga night club or beerhouse sa nasabing siyudad.

Kung sa mga night club at beerhouse sa Pasay City ay may mga nagsasayaw nang nakahubo’t hubad na babae ay ganun din sa Flower for Men (F4M) Gay Bar Disco na matatagpuan sa Roxas Bvld. ng naturang lungsod.

Hanep ang gay bar na ito dahil sa lahat yata ng mga gaybar sa buong Pasay ay ito lang ang pinakamalakas na gay bar sa buong siyudad.

Bakit kanyo?

Mantakin nyo, kakaiba ang ginagawang ‘show’ ng mga macho dancer sa gay bar na ito.

Dahil ultimo ang mga ‘manoy’ ng mga ito ay “live” na ipinahahawak sa mga kostumer na bading, matrona at mga babaeng nagpupunta rito habang sumasayaw ang mga ito sa entablado.

Isang Koreana na nagngangalang Mommy Ester ang tumatayong may-ari ng nasabing gay bar.

Pero ang ipino-front ni Mommy Ester sa gay bar na ito ay itong si Bong Norton.

Si alyas Bong Norton ang umano’y may kakilala at koneksyon sa Business Permit and Licensing office ng Pasay City.

Ginagamit ni Norton ang isang nagngangalang Boyet na taga-Business Permit and Licensing Office kaya malaya itong nakapag-o-operate kahit front ito ng prostitusyon.

BUROL INOOBLIGA NA 15 DAYS IBUROL

Hindi mapatigil ang kaliwa’t kanang ‘saklaan’ na ‘front’ ng iligal na pasugalan ng grupo ni alyas Jun Lontoc sa Las Piñas City.

Ibang klase ang pasaklaan nitong grupo ni Jun Lontoc dahil inoobliga nila ang pamilya ng namatayan na iburol ng 15 araw ang bangkay para pagkakitaan.

oOo

Anomang mga reklamo o puna, mangyaring itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o kaya’y ipadala sa email: juandesabog@yahoo.com.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply