Purisima itatalagang bagong PNP chief

BAGAMAN tumanggi si Presidential spokeperson Edwin Lacierda na tukuyin kung sino ang ipapalit kay Philippine National Police chief Nicanor Bartolome, malakas ang balitang si Gen. Alan Purisima ang itatalagang bagong PNP chief.

Si Bartolome ay balita namang ipapalit kay Undersecretary Rico Puno na kasalukuyang sangkot sa kontrobersya dahil umano sa maanomalyang pag-aangkat ng mga baril para sa PNP.

Sangkot din si Puno sa umano’y pagpasok sa condo unit ni yumaong Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Si Puno ay nakasalang na imbestigahan ng Senado hinggil sa mga nabanggit na kontrobersya kasama ang jueteng.

Si Purisima diumano ay malapit sa pamilya Aquno dahil nagsilbi ito sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply