Gerald Anderson, Cristine Reyes magtatambal

SI CRISTINE Reyes na nga ang bagong makatatambal ni Kapamilya star Gerald Anderson sa kanyang next project na drama series.

Ito ang ibinulgar ng batam-batang aktor sa panayam sa kanya ng Yahoo! Philippines sa launching ng FHM’s September issue nitong 13.

Yes! Si Gerald din ang ikaapat na lalaki na cover ng naturang sikat na magazine kasunod nina Robin Padilla, Cesar Montano, at Derek Ramsay noong 2011.

May action movie rin si Gerald kasama si Jake Cuenca na idinerehe ni Tikoy Aguiluz.

Pagkatapos ng Budoy, matagal nagpahinga si Gerald at ginawang busy ang sarili sa pamamagitan ng iba’t ibang sports.

Sa pagbabalik niya sa Primetime Bida ng Dos, bukod kay Cristine makakasama rin ni Gerald sa nasabing proyekto si Diana Zubiri sa magbabalik-showbiz ngunit sa Kapamilya Network.

Hmmm… Kaabang-abang ito ah!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply